First Time Blogger Confession

     Hi friends! ito yung first time ko gumawa ng blog at magblog hahahaha. At anong pakiramdam? ang saya at nakaka-proud kasi nagawa ko to ng madali lang though medyo confusing pero kayang-kaya naman. Maraming salamat talaga sa wordpress.com at may ganitong bagay para paglibangan at subukan ng mga first timers na katulad ko. Salamat din kay Mrs. Neri Miranda kasi nabasa ko sa mga post niya sa Facebook na gamit niya ang wordpress so nagtry ako. Sa mga gusto magblog pero hindi alam. Wag kayo matakot  mag-explore at magtry magblog. Enjoy!

     So, ito na nga. Kaya ko naisipin mag-blog kasi ngayon I feel so depress. Itong pagkausap ko lang sa sarili ko yung way-out ko para malibang ako. Oo nga pala, magpapakilala ako sa inyo. Hi! Im Jovie. Tawagin niyo nalang akong Jovs. Im currently taking Industrial |Engineering sa isang University diyan lang sa Novaliches Quezon City. 20 years old na ako kaya nag-decide na rin ako na to make this life more productive na kasi 20 na ako, tapos wala pa akong na-aachieve sa buhay ko or I mean nagagawa sa buhay ko.Back to the topic, kaya ko din ginawa to kasi gusto ko maglaylo sa Facebook kasi napaka-depressing dun. Kaya ito ako ngayon nakaharap sa tablet at kinakausap ko ang sarili ko para malibang ako at marelax ako. Don’t get me wrong ha. Hindi ako nababaliw hhahaa. May nabasa kaya ako na nakakatalino daw kapag kinakausap mo yung sarili mo.Nako. Ipagdadasal ko to kay Lord na sana ma-update ko tong blog ko kahit once a week lang Lord oh. To share may random thoughts at ang aking goal? Para kapag tumanda na ako may babalikan akong memories or kung mawala man ako sa mundong ito atleast magugulat nalang mga kapatid ko or mga magulang ko na nagnonobela na pala ang anak nila hahahaha chos lang. So ito muna. Sa susunod ikwekwento ko sa inyo yung ibang bagay naman. Godbless us! Muaa

 

– jovie ❤🌸

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s