A woman’s heart.

Hi. Magandang gabi sa inyong lahat? kamusta kayo ngayong araw? Okay ka lang ba? Malungkot ka ba? Alam mo kung hindi ka okay today, ayos lang yan, lilipas din yan. Ang isipin mo nalang o kaya sabihin mo sa sarili mo “kapag inintindi ko ba itong problema na ito, worth it ba? makakabuti ba sa akin? ito bang problema ko na ito is tatagal ba ito ng sampung taon?” then kung hindi just let it go. May mga bagay kasi sa mundo na kapag hindi mo kaya solusyunan ipaubaya mo nalang sa itaas, o hindi naman kaya kung kaya pa solusyunan nako girl kilos na agad! basta wag ka lang mawawalan ng pag-asa. May nabasa din ako na may mga bagay na kapag hindi mo na kaya solusyunan i-set aside mo nalang. Siguro kapag nagawa mo na yan medyo gagaan na pakiramdam mo just be positive nalang.

So yung topic na nakikita niyo diyan sa taas is naisip ko lang kanina, halos ngayun-ngayon lang kasi kanina sa school habang nakaupo kami sa sahig nag-aantay kami ng friend ko na matawag yung name niya para makuha yung grade slip niya, kinalabit niya ako. “be. Umiiyak si ate na katabi ko, ano gagawin ko?” ako naman tumingin. Sabi ko hayaan niya nalang. Nasabi kong hayaan niya nalang kasi may mga bagay kasi na hindi mo na kaya ipaliwanag, yung masabi mo pa yung problema mo, talagang iiyak ka nalang ng iiyak kasi punong-puno ka na ng sakit sa dibdib mo, sa sobrang sakit iiyak ka nalang talaga. Naranasan niyo ba yun? Yung pinipilit mong maging matapang sa araw-araw na hamon sa buhay then one day may isang sitwasyon na dadating and then boom! hindi mo na kinaya yung sakit umiyak ka na. Yung iyak mo na kahit pinipigilan mo yung sarili na umiyak pero yung luha mo tuloy-tuloy yung laglag sa mga mata m0? yan na siguro yung worst feeling. Tapos maya-maya may dumating na lalaki, dun namin nalaman na lovelife pala! kaloka si ateng, akala namin graduating student siya tapos nalaman niya may failed grades siya tapos di makaka martsa. So nag come-up ako sa ganitong usapan.

Nagtataka lang ako sa ibang tao bakit dati noong nanliligaw sila sa mga babaeng karelasyon nila noon, napaka-effort, napaka-bait, napaka-pasensosyo. Meron pa nga hindi sasama sa basketball game or DOTA session, inuman session at kung ano ano pa nila nila kasi susunduin si babae, may lakad sila ni babae, sasamahan sa ganito si babae. Tapos noong naging sila na diyan na mag uumpisa yung  “baby pasensya ka na hindi muna kita etc. etc. kasi etc. etc.” tapos hanggang sa madalas na wala and then wala na talaga. Hmmm ano yan. Kaya ang mga babae natuto ng humogot sa Facebook, Twitter, Snapchat, Instagram at kung saan-saan. Ayan nasasabi tuloy ng iba “sa umpisa lang yan.” Tapos mag-aaway tapos ayun ang ending wala na. The end agad. Naaawa naman ako sa ibang babae na napaka seloso ng mga boyfriend nila. Yung tipong mahawi lang ng mata ni girl yung lalaki andyan na boyfriend niya sasabihin “ang lagkit ng titig mo ah.” yung mga tamang hinala, meron naman kapag nagpaalam yung babae na may lakad with her girlfriends “sino-sino kasama mo? baka may lalaki kayo kasama ha? baka naman tumabi ka sa kanya? siguraduhin mo lang na kaibigan mo talaga kasama mo!” and the worst sasama siya sa lakad niyo ng girlfriends niyo. Ang ending? Imbes na nagbobonding kayo, kausap mo nalang boyfriend mo kasi ayaw mo naman na lonely siya. Napaka tamang hinala ng boyfriend mo kung ganyan. Walang  tiwala yan. Ang babae kapag mahal niya ang isang lalaki loyal talaga yan, isipin niya palang na iba kasama niyang lalaki nasasaktan na siya kasi hindi niya ma-imagine na hindi ikaw ang kasama niyan samantalang ikaw lang naman ang mahal niyan. Minsan pa nga nag eeffort yan para masurprise ka. Wag mo din sakalin ang isang babae pag yan na-suffocate aalis yan.

 

 

Boys wag niyo paglaruan ang puso ng isang  babae. Ang babae kasi napakahirap ng pinag-dadaanan niyan. Ikaw ba naman every month magkaroon ng menstration. Hindi biro magkaroon ng menstration ah. May iba akong kilala hinihimatay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nila during that stage. Ang mga babae pagdating sa school o trabaho pagdating sa bahay, gagawa pa yan ng household chores. Ang babae nanganganak yan, yung sakit na nararamdaman niya is para kang binabalian ng buto ng paulit-ulit. Kapag mag-asawa na kayo wala na yang time para mag-ayos pa ng sarili niya kasi iintindihin ka nalang niya, uunahin niyan yung comfortability mo dahil tungkulin niya yun bilang isang babae at marami pang iba. Tandaan ang babae kapag nasasaktan, umiiyak lang yan and then magiging stronger version na yan. Palevel-up ng palevel-up. Habanng nasasaktan yan, yung mga naging karanasan niya yung ginagawa niyang inspirasyon para lumaban sa buhay kaya bilib ako sa mga babaeng ganito.

Ano ba naman yung itrato niyo nalang sila ng maayos, mahalin, lambingin alagaan kasi balang araw babae ang makakasama mo habang buhay, siya ang magiging asawa mo, magiging ina ng mga anak mo, mag aalaga sayo kapag nagkasakit ang mag aalaga sa kapag  matanda na kayo, iiyak kasama mo, dadamayan ka sa lahat ng bagay. Tandaan. A women’s reflection is her man. Na kung paano mo siya itrato is makikita mo sa kanya, kung paano mo makikita yung babae is ganon din ang pagrespeto mo sa kanya. Kapag minahal mo siya, doble-doble ang babalik sayo. Try niyo boys worth it ang lahat. Kung paano mo pahalagahan ang isang babae ay ganon din ang pagrespeto mo sa mama mo o sa kapatid mong babae. May mga lalaki kasi na marerealize niya lang ang halaga ng babae kapag wala na huli na, nasaktan mo na siya at ang masakit ayaw niya na sayo. Ang babae pa naman kapag natauhan na hindi mo na mauuto-uto yan hindi na tatanga-tanga yan lalo na pag nasulsulan na ng mga kabigan niya hahaha. Kaya maswerte ka kapag nakahanap ka ng babaeng kahit anong gawin mong kalokahan hindi ka pa rin iniiwan kasi mahal na mahal ka niya, umaasa siya na magbabago ka rin balang araw. Hahayaan mo pa ba na yang babaeng kasama mo ngayon is nasa piling ng ibang lalaki? hindi na ikaw yung dahilan ng pag ngiti niya? Hindi na ikaw yung bukang bibig niya? Kung nakaramdam ka ng kirot diyan sa puso mo, aba! congrats natauhan ka. Ngayon itrato mo siya ng maayos! “kasi yung tatay niyan, pinalaki at inaruga niya yan hindi para saktan mo! kung hindi mahalin mo at itrato na parang isang prinsesa” kung ikaw din naman nagkaanak ng isang babae gugustuhin mo bang tarantaduhin yung pinakamamahal mo na anak? Hahayaan mo na lang ba na balang araw masabi mo na lang sa sarili mo na “sayang hindi siya ang kasama ko ngayon.”

 

– jovie

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s